Mark 13:24-27

Ang Pagbabalik ni Jesus sa Mundo

(Mat. 24:29-31; Luc. 21:25-28)

24“Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan, magdidilim ang araw, hindi na magliliwanag ang buwan, 25at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit. Ang mga bagay
mga bagay: sa literal, mga kapangyarihan.
sa kalawakan ay mayayanig at mawawala sa kani-kanilang landas.
26At makikita nila ako na Anak ng Tao na dumarating mula sa mga ulap na taglay ang dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. 27Ipapadala ko ang aking mga anghel sa lahat ng lugar sa mundo upang tipunin ang aking mga pinili.”

Copyright information for TglASD